KASUNDUAN SA PAUTANG AT PAGSISIWALAT

Ang Kasunduan sa Pautang na ito ay ipinasok ng at sa pagitan ng:

STREETCORNER LENDING CORP. DOING BUSINESS UNDER THE NAME AND STYLE OF “AKULAKU” (“TAGAPAGPAHIRAM “) na may address sa 24TH Floor IBP Tower Doña Julia Vargas at Jade Drive Ave Brgy. Lungsod ng San Antonio, Pasig

at

___PANGALAN NG NANGHIHIRAM__ na may address sa __________________ at may rehistradong email address na 1234@.com (“NANGHIHIRAM “) na sumasang-ayon na pumasok sa Kasunduan sa Pautang na ito ngayong __(PETSA)__.

Ang Nanghihiram at Tagapagpahiram ay maaaring kolektibong tukuyin bilang “Mga Partido” at indibidwal na tinutukoy bilang “Partido.”

Bilang pagsasaalang alang sa mga kapwa karapatan at obligasyon ng mga Partido, isinasagawa ng mga Partido ang Kasunduang ito ayon sa mga sumusunod:

  1. Pahayag ng Pagsisiwalat ng Pautang

Ang Tagapagpahiram dito ay ipinalalawig sa Nanghihiram ang Pautang na may pangunahing halaga na 000 Pesos, PHP: 000 sa mga sumusunod na paraan:

 

  1. Buwanang Porsyento ng Interes: 0.00%

Ang Tagapagpahiram ay magtatakda ng interes sa Pangunahing Halaga, na kasama sa kabuuang halaga ng Buwanang Bayad sa Hulugang Pagbabayad. Ang kabuuang halaga ng interes na kailangang bayaran ng Nanghihiram ay katumbas ng Pangunahing Halaga na pinarami ng Buwanang Porsyento ng Interes at higit pang pinarami ng tagal ng hulugan, na nagkakahalaga ng Pesos{interestFee} (“Kabuuang Halaga ng Interes”).

  1. Kabuuang Bayad sa Serbisyo: [Kabuuang Halaga ng Bayad sa Serbisyo] sa Pesos

 

Petsa ng Pagbabayad ng Hulugan Halaga ng Buwanang Bayad sa Hulugan sa Pesos Buwanang Porsyento sa Pesos Pangunahing Halaga ng Pautang sa Pesos Bayad sa Serbisyo sa Pesos
{Unang Petsa ng Pagbabayad} {Halaga ng Buwanang Pagbabayad sa Pesos} {Halaga ng Interes para sa Unang Buwan} {Halaga ng Pangunahing Halaga para sa Unang Buwan} {Bayad sa Serbisyo}
{Pangalawang Petsa ng Pagbabayad} {Halaga ng Buwanang Pagbabayad sa Pesos} {Halaga ng Interes para sa Pangalawang Buwan} {Halaga ng Pangunahing Halaga para sa Pangalawang Buwan} {Bayad sa Serbisyo}
{Pangatlong Petsa ng Pagbabayad} {Halaga ng Buwanang Pagbabayad sa Pesos} {Halaga ng Interes para sa Pangatlong Buwan} {Halaga ng Pangunahing Halaga para sa Pangatlong Buwan} {Bayad sa Serbisyo}
……        
  1. Paraan ng Pagpaluwal ng Pautang.

Ang pautang ay dapat ilabas sa pamamagitan ng paglilipat ng pondo sa itinalagang e-wallet ng nanghihiram.

  1. MGA PAGBABAYAD
  2. TAKDANG PETSA NG PAGBABAYAD NG BUWANANG HULOG

Ang bawat buwanang pagbabayad ay dapat gawin sa o bago ang Takdang Petsa. Ang unang buwanang pagbabayad ay babayaran batay sa iskedyul na nakasaad sa Petsa ng Pagbabayad tulad ng ipinapakita sa Tiktok App o anumang iba pang platporm na maaaring ginamit ng Nanghihiram upang maakses ang mga serbisyo ng Akulaku.

  1. MAAGANG PAGBABAYAD

Maaari bayaran ng maaga ang natitirang balanse nang buo o maagang bayaran nang higit pa sa buwanang pagbabayad na dapat bayaran bago ang mga takdang petsa ng pagbabayad sa anumang oras nang walang primyum o parusa. Ang lahat ng mga maagang pagbabayad ay unang ilalapat sa anumang:

  1. Multa sa hindi pagbabayad ng takdang petsa o sa takdang petsa ng pagbabayad;
  2. sumunod ay sa mga natitirang hulugang bayarin na lagpas sa takdang petsa ng pagbabayad;

iii. pagkatapos nito ay sa natitirang halaga o kabuuang natitirang balanse.

Anumang naturang maagang pagbabayad na lumampas sa buwanang pagbabayad o anumang bahagi ng maagang pagbabayad ng utang ay ituturing na paunang pagbabayad. Ang gayong mga halaga ng paunang pagbabayad, kung sapat upang masakop ang buwanang (mga) paunang bayad, ay magpapalawig ng iskedyul ng Takdang Petsa (Buwanang Takdang Petsa) sa ibang pagkakataon.

  1. APLIKASYON NG PAGBABAYAD

Ang alinman at lahat ng mga pagbabayad na gagawin ay dapat ilapat sa mga sumusunod na item sa pagkakasunud-sunod na nakalista:

  1. Anumang buwis sa selyo o iba pang mga singil o bayarin na pinapayagan ng batas.
  2. Sa pagbabayad ng mga gastusin sa pagpapatupad

iii. Mga parusa sa hingi pagbabayad ng takdang petsa

  1. Ang mga bagay na hindi nabayaran nang nakaraan mula sa pinakamatandang petsa ng pag-uukol ng mga bagay hanggang sa pinakabago, ayon sa sumusunod na pagkakasunud-sunod ng mga item:
  2. Mga bayarin
  3. Interes
  4. Pangunahing Halaga
  5. MULTA SA HINDI PAGBABAYAD SA TAKDANG PETSA

Kung ang gumagamit ay hindi makakapagbayad ng kanilang mga utang sa loob ng dalawang araw pagkatapos ng takdang petsa na itinakda sa kasunduan, magkakaroon ng multa para sa hindi pagbabayad ng takdang petsa na iaakma ayon sa mga sumusunod:

 

(1) Dalawang Araw na Pagpapalugit:

 

Para sa unang dalawang araw pagkatapos ng takdang petsa, walang ipapataw na bayad para sa multa sa hindi pagbabayad sa takdang petsa, na magbibigay sa gumagamit ng palugit upang ayusin ang natitirang balanse nang hindi nagkakaroon ng anumang parusa o multa.

 

(2) Simula Sa Ikatlong Araw:

 

Mula sa ikatlong araw pagkatapos ng takdang petsa at pasulong, magkakaroon ng bayad para sa multa sa hindi pagbabayad sa takdang petsa. Ang bayad para dito ay kakalkulahin bilang 5% ng kabuuang natitirang balanse ng pangunahing halaga at interes.

 

(3) Takdang Limitasyon ng Bayad Para Sa Hindi Pagbabayad sa Takdang Petsa

 

Ang multa sa hindi pagbabayad sa takdang petsa ay hindi dapat lumampas sa 50% ng pangunahing halaga. Kung umabot ang bayad nito sa limitasyong ito, hindi na ito tataas pa, kahit na may natitirang balanse.

 

(4) Buwanang Pag-iipon

 

Kung patuloy na hindi mababayaran ang natitirang balance pagkatapos ng palugit at ng ikatlong araw na limitasyon, ang multa para sa hindi pagbabayad sa takdang petsa ay pagsasamahin at sisingilin sa ika-17 ng bawat susunod na buwan hanggang sa ganap na mabayaran ang mga utang.

 

Ang Kasunduan sa Pautang at/o ang transaksyon sa Pautang ng Gumagamit ay dapat na pinamamahalaan ng mga batas ng Republika ng Pilipinas.

  1. KOLEKSYON NG PAGBABAYAD
  2. Sa paglitaw ng isang pangyayaring dipolt, tulad ng inilarawan sa nakaraang bahagi, ang Akulaku ay maaaring, sa sariling pagpapasya nito at nang hindi nangangailangan ng abiso o kahilingan, gumawa ng naturang aksyon at magsagawa ng naturang mga remedyo upang maprotektahan at maipatupad ang mga karapatan nito sa ilalim ng Kasunduang ito at mga naaangkop na batas.

 

  1. Sa kaganapan ng pagkaantala o kabiguan sa iyong bahagi upang ayusin ang pagbabayad ng aking obligasyon, kinikilala at pinapayagan mo rito si Akulaku, sa pamamagitan ng kanyang Kagawaran ng Pangongolekta o isang ahensya ng pangongolekta ng utang, na makipag-ugnayan sa iyo nang personal o sa pamamagitan ng iyong mga kontak sa oras ng emerhensiya o mga tagasaksi sa karakter, gamit ang anuman at lahat ng impormasyon na iyong ipinasok sa pamamagitan ng Tiktok App o anumang iba pang platporm na maaaring ginamit ng Nanghihiram upang makaakses ng mga serbisyo ng , o mga impormasyong nakuha mula sa iyo sa ibang paraan sa panahon ng pagsusumite ng iyong aplikasyon sa utang, tulad ng mga nakalap sa aming proseso ng beripikasyon upang matukoy ang iyong pagiging karapat-dapat para sa utang. Inilalaan ng Akulaku ang karapatan na ito na makipag ugnay sa iyo, alinsunod sa naaangkop na mga regulasyon, sa pamamagitan ng anumang pamamaraan na kinakailangan kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, pamamagitan ng liham, sulatroniko, tawag sa telepono, SMS, o sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga pribadong mensahe sa iyong mga sosyal midya akawnt.

 

  1. Bilang wakas, sumasang ayon ka na bayaran ang lahat ng makatarungang mga bayarin sa batas, mga singil sa pangongolekta, at mga gastos sa pagpapatupad sa lawak na pinahihintulutan ng batas, bilang karagdagan sa iba pang mga halaga na nararapat. Kinikilala mo rin na nakuha mo ang pahintulot ng iyong mga kontak sa oras ng emerhensiya at mga sanggunian sa karakter para gamitin ang kanilang impormasyon para sa mga layuning nabanggit sa sugnay na ito (6.b).
  2. MGA PANGKALAHATANG TUNTUNIN
  3. Walang Weyber

Ang aming kabiguan na ipatupad ang Kasunduang ito ay hindi magiging weyber sa mga tuntuning ito, at ang gayong kabiguan ay hindi makakaapekto sa aming karapatan na ipatupad ang Kasunduang ito sa hinaharap.

  1. Seberabilidad

Kung sa anumang oras ay maging ilegal, hindi wasto, o hindi maipapatupad sa anumang aspeto ang alinmang probisyon ng Kasunduang ito, ang legalidad, bisa, at pagpapatupad ng natitirang mga probisyon ng Kasunduang ito ay hindi maaapektuhan o mapapahina sa pamamagitan nito, at mananatiling may bisa tulad ng kung ang ilegal, hindi wasto, o hindi maipapatupad na probisyon ay tinanggal mula sa Kasunduang ito.

  1. Mga Karapatan ng mga Ikatlong Partido

Ang sinuman o entidad na hindi bahagi ng Kasunduang ito ay walang karapatang ipatupad ang anumang tuntunin dito, hindi alintana kung ang nasabing tao o entidad ay tinukoy sa pangalan, bilang miyembro ng isang klase, o ayon sa isang partikular na paglalarawan. Upang iwasan ang pag aalinlangan, walang anumang nakasaad sa talatang ito ang makakaapekto sa mga karapatan ng sinumang pinahihintulutang tagatalaga o tagatanggap ng Kasunduang ito.

  1. Batas na namamahala

Ang Kasunduang ito ay pamamahalaan at bibigyang-kahulugan alinsunod sa batas ng Pilipinas, at sa pamamagitan nito ay sumasang-ayon ka sa eksklusibong hurisdiksyon ng mga hukuman ng Lungsod ng Pasig.

  1. Mga Hindi Pagkakaunawaan

Kung magkaroon ng anumang alitan o paghahabol na nagmumula sa o may kinalaman sa Kasunduang ito o sa paggamit mo ng TikTok App o anumang iba pang platporm na maaaring ginamit ng nangutang upang ma-akses ang mga serbisyo ng Akulaku (“Mga Hindi Pagkakaunawaan”), ang mga kinauukulang partido ay dapat munang magtangkang lutasin ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng mapayapang negosasyon. Sumasang ayon ka na ang anumang mga paglilitis sa paglutas ng pagtatalo ay isasagawa lamang sa indibidwal na batayan at hindi sa isang klase, pinagsama, o kinatawan na aksyon.

Sa anumang kaganapan at sa buong lawak na pinahihintulutan ng naaangkop na batas, hindi ka maaaring magsampa ng anumang paghahabol laban sa mga Indemnities sa ilalim ng Kasunduang ito pagkatapos ng isang taon mula sa petsa ng paglitaw ng pangyayaring nagbibigay-daan sa paghahabol.

  1. Pagpapagaan ng Kasunduan

Maaari kaming humiling ng agarang pagpapagaan ng kasunduan kung magpapasiya kami na ang paglabag o hindi pagtupad ay nangangailangan ng isang Pansamantalang Utos ng Pag-Iwas o iba pang agarang kaluwagan utos bilang isang angkop o sapat na lunas.

  1. Pagwawasto ng mga Pagkakamali

Anumang typograpiko, klerikal, o iba pang pagkakamali o pag-aalis sa anumang pagtanggap, inboys, o iba pang dokumento sa aming bahagi ay dapat sumailalim sa pagwawasto nang walang anumang pananagutan sa aming bahagi.

  1. Buong kasunduan

Ang Kasunduang ito ay bumubuo ng buong kasunduan sa pagitan mo at namin na may kaugnayan sa paksa nito at pumapalit at papalitan nito ang lahat ng nakaraang pag-unawa, komunikasyon, at kasunduan hinggil sa paksa nito.

  1. Pagbubuklod at Konklusibo

Kinikilala at tinatanggap mo na ang anumang mga talaan (kabilang ang mga talaan ng anumang tawag sa telepono na may kaugnayan sa TikTok App o anumang iba pang platporm na maaaring ginamit ng Nanghihiram upang maakses ang mga serbisyo ng Akulaku (kung mayroon man) na pinanatili namin at/o ng aming mga tagapagbigay ng serbisyo na may kaugnayan sa TikTok App o anumang iba pang platporm na maaaring ginamit ng Nanghihiram upang maakses ang mga serbisyo ng Akulaku, ay magiging nakapag-uukol at nakapagpapatibay sa iyo para sa lahat ng layunin at magsisilbing tiyak na ebidensya ng anumang impormasyon at/o datos na ipinadala sa pagitan namin at sa iyo. Sumasang-ayon ka na ang lahat ng mga naturang talaan na ito ay katanggap tanggap bilang ebidensya at na hindi mo hahamon o tatalunin ang pagiging maaasahan, katumpakan, o pagiging tunay ng mga talaan na ito batay lamang sa batayan na ang naturang mga talaan ay nasa anyong elektronik o resulta ng isang sistema ng kompyuter, at sa pamamagitan nito ay iwaksi mo ang alinman sa iyong mga karapatan, kung meron man, sa gayon tumutol.

  1. Pagpapasa ng Gawain at Delegasyon

Inilalaan ng Akulaku ang karapatan na ipasa o i-sub-contract ang pagsasagawa ng alinman sa aming mga tungkulin o obligasyon na may kaugnayan sa TikTok App o anumang iba pang platporm na maaaring ginamit ng Nanghihiram upang maakses ang mga serbisyo ng Akulaku, sa anumang tagapagbigay ng serbisyo, sub-kontraktor, at/o ahente sa mga kondisyong aming itutukoy.

  1. Ang Pagtatalaga

Hindi mo maaaring italaga ang iyong mga karapatan o ilipat ang iyong mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito nang walang aming paunang nakasulat na pahintulot. Maaari naming italaga ang aming mga karapatan o ilipat ang aming mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito sa anumang ikatlong partido sa aming sariling paghuhusga.

  1. Mga Pangyayaring Hindi Maiiwasan

Ang Akulaku ay hindi mananagot para sa hindi pagtupad, pagkakamali, pagka-abala, o pagkaantala sa pagsasagawa ng aming mga obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito (o anumang bahagi nito) o para sa anumang kawastuhan, hindi pagkakatiwalaan, o hindi pagiging angkop ng TikTok App o anumang iba pang platporm na maaaring ginamit ng nangutang upang maakses ang mga serbisyo ng Akulaku kung ang mga ito ay dulot, nang buo o bahagi, nang direkta o hindi direkta, sa isang pangyayari o pagkukulang na lampas sa aming makatarungang kontrol.

  1. Pag-apdeyt ng mga Tuntunin at Kondisyon

Ang Akulaku ay maaaring baguhin ang mga Tuntunin at Kondisyon sa anumang oras, sa pamamagitan ng paabiso sa Kostumer, at ang mga nasabing pagbabago ay magiging nakatali sa Kostumer, sa kondisyon na ang Akulaku ay mag-post ng pagbabago sa pamamagitan ng kanyang websayt.

Akulaku ay kinokontrol sa pamamagitan ng Komisyon sa Seguridad at Palitan (Securities and Exchanges Commission o “SEC”).

 

SA ILALIM NG PANUNUMPA, AKO AY NAGSASABI NA ANG LAHAT NG NAKASAAD SA DOKUMENTONG ITO AY TOTOO AT TAMA AYON SA AKING KAALAMAN AT AKO AY SUMASANG-AYON SA LAHAT NG NILALAMAN AT KASUNDUAN NA NAKAPALOOB DITO.